Kaugnay nito itinatampok sa aklat ang mga akdang pampanitikan na tulad ng pabula, parabula, anekdota, alamat, bugtong, salawikain, kuwentong-bayan, sanaysay, diyalogo, tula, nobela, dula, at iba pang anyong pampanitikan bilang lunsaran sa pagtuturo ng aralin sa panitikan at gramatika. Kasama sa nililinang ang mga pagpapahalagang Pilipino, Asyano, at Pandaigdig na makatutulong upang hubugin ang mga mag-aaral na maging mapanagutang kasapi ng lipunang kinabibilangan at ng daigdig sa pangkalahatan.
Inaasahan na sa paggamit ng serye ng aklat na ito ay magiging bihasa ang mga mag-aaral sa kakayahang kominikatibo at iba’t ibang kasanayaan na tulad ng pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, pagsusulat, at panonood.
Ang TALASTASAN ay nakabatay sa mga panlahat at tiyak na kasanyang pagkatuto ng Kagawaran ng Edukasyon at sa napapanahong kurikulum ng K–12. Tinalakay nang buo ang mga kasanayang nakalahad sa kurikulum at pinahitik pa sa pamamagitan ng pagpapayaman at karagdagang gawain.