

OVERVIEW
Ang seryeng ito ng Salamisim: Wika at Pagbasa ay isang batayan at sanayang aklat na naglalayong maging gabay tungo sa mabisa at makabuluhang pagkatuto ng Filipino. Tumutugon ito sa layuning isinusulong ng K to 12 Curriculum ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd).
Ang mga aralin at mga nakatakdang gawain para sa mga mag-aaral ay masusing isinasaayos alinsunod sa mungkahi ng bagong estratehiya ng pagtuturo – and UbD o Understanding by Design. Nilalayon ng mga estratehiyang ito na palalimin ang pag-unawa at kaalaman ng mga mag-aaral sa wikang Filipino kaalinsunod ng paglinang ng kanilang kakayahan bilang mga 21st Century Learner. Isinasaalang-alang din sa seryeng ito ang napapanahong gamit ng wika alinsunod sa inilabas na 2009 Gabay sa Ortograpiyang Filipino ng Komisyon sa Wikang Filipino.
PAKIKINIG, PAGSASALITA, PAGBABASA at PAGSUSULAT
Maingat na isinasaalang-alang sa seryeng ito ang mga sumusunod na pamantayan ng bagong kurikulum:
- Wikang binibigkas
- Pag-unawa sa napakinggan
- Kamalayan sa ponolohiya
- Pag-unawa sa binasa
- Palabigkasan at pagkilala sa salita
- Tatas
- Gramatika
- Pagbabaybay
- Pag-unlad ng bokabularyo
- Pagsulat
- Kaalaman sa aklat at limbag
- Komposisyon
- Pakikitungo sa wika, literasi at panitikan
- Mga estratehiya sa pag-aaral










