Marangal, Unang Edisyon, ay naglalayong linangin at paunlarin ang pagkataong etikal ng bawat mag-aaral. Laman ng edisyong ito ang pagtuklas sa sariling kakayahan at ang pagkakaroon ng kamalayan sa paggalang sa kapwa, sa bansa at sa Diyos. Laman ng edisyon na ito ang pagtuklas sa sariling kakayahan at ang pagkakaroon ng kamalayan sa paggalang sa kapwa, sa bansa, at sa Diyos.
Laman din nito ang iba’t ibang makabuluhang pagsasanay upang mas lalo pang mapalawak ang pagkaunawa, maging mapanuri at produktibo sa bawat konseptong binibigyan ng pansin. Sa aklat na ito binibigyang halaga ang limang pangunahing kakayahan: pag-unawa, pagninilay, pagsangguni, pagpapasya, at pagkilos.