

OVERVIEW
Isang malaking hamon sa kabataang Pilipino ang pagpasok ng ika-21 siglo. Sa kasalukuyang panahon, ang kabataan ay nahahantad sa maraming pagbabagong dulot ng makabagong tuklas at kaalaman na karamihan ay yumayanig sa buong pagkatao ng sinuman.
Layunin ng serye ng Marangal (Edukasyon sa Pagpapakatao) na linangin sa mga estudyante ang mga kakayahang pangkaalaman, pandamdamin, at pangkaasalan na magbibigay sa kanila ng kakayahan.
KABUTIHANG ASAL, PAG-UUGALI, PAGPAPAKATAO
Sa pamamagitan ng aklat na ito ay magiging handa ka para harapin ang mga hamong kinakaharap. Huhubugin ng aklat na ito ang iyong pang-unawa sa mga konsepto sa pananagutang pansarili; pagkatao ng tao; repleksyon ng pamilya at pakikipagkapwa; lipunan; pagpapahalaga sa paggawa at mga pagpapahalagang moral na nagpapasiya at kumikilos nang may pananagutan tungo sa kabutihang panlahat upang mamuhay nang may kaayusan at kaligayahan.
Magsisilbing gabay ang aklat na ito sa mga estudyante upang matagpuan nila ang kabuluhan ng kanilang buhay, ang papel nila sa lipunang Pilipino upang makibahagi sila sa pagtatayo ng pamayanang pinaiiral ang katotohanan, kalayaan, katarungan, at pagmamahalan. Upang maipamalas ang mga ito, kailangang taglay nila ang limang makrong kasanayan: pag-unawa, pagninilay, pagsangguni, pagpapasiya, at pagkilos
Sa pamamagitan ng mga aralin at pagsasanay ay magkakaroon ka ng makabuluhan at kasiya-siyang karanasan upang muling suriin ang iyong sarili at palawakin ang iyong pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa sarili, pamilya, pamayanan, at lipunan.Imumulat ng aklat na ito ang iyong mga mata tungo sa pagiging isang mabuti at mananagutang indibiduwal bilang bahagi ng lipunan. Gagampanan mo ang iyong tungkulin upang higit na mapagbuti ang sarili at nang sa gayon ikaw ay magiging kapaki-pakinabang na bahagi ng nag-iisang mundo.