Sa Kurikulum na ito, iniaangkop ang edukasyon sa pambansang pag-unlad at tutulungan ang mga bata na maging isang mamamayang mapanuri, mapagnilay, responsable, produktibo, maka-Diyos, makakalikasan, makabansa at makatao. May paninindigang pananaw at may pagpapahalaga sa mga usapin sa lipunan. Nakapokus sa Sibika at Kultura para sa baitang 1,2 at 3 at sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika para sa baitang 4,5,6.
Binibigyang-diin ng seryeng ito ang paglinang ng mga paniniwala ng mga Pilipino: pambansang pagkakakilanlan; pambansang pagmamalaki; at pambansang karapatan. Nakapaloob sa bawat aklat ng serye ang mga temang: tao, kapaligiran at lipunan; panahon, pagpapatuloy at pagbabago; kultura, pagkakakilanlan at pagkabansa; produksyon, distribusyon at pagkonsumo; kapangyarihan, awtoridad at pamamahala; karapatan, pananagutan at pagkamamamayan.